Inanunsyo ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na magpapatuloy pa rin ang kanilang libreng sakay program kahit ipatupad na ang General Community Quarantine (GCQ) sa May 15 sa National Capital Region (NCR) at sa iba pang bahagi ng bansa.
Batay sa announcement na inilibas ngayong araw ng DOTr, ipinag-utos nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang libreng sakay para sa mga healthcare workers, medical frontliners, essential workers at Authorized Persons Outside of Residence (APOR).
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade na sa pamamagitan ng nasabing proyektong sa ilalim ng Service Contracting Program, hangad nila na mailibre ng pamasahe ang publiko habang nagpapatuloy pa rin ang banta na dala ng COVID-19 pandemic.
Aniya, nais makabawas kahit paano sa bigat na kanilang pasan dahil ang pamasaheng matitipid nila mula sa programang ito ay maaaring nilang magamit pambili ng pagkain at iba pang importanteng pangangailangan ng kanilang pamilya at mahal sa buhay.