Libreng sakay ng DOTr para sa mga medical frontliner at APOR, aarangkada na simula ngayong araw!

Aarangkada na simula ngayong araw ang libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga medical frontliner at Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Sa ilalim ito ng phase 2 ng service contracting program ng DOTr.

Ang programa ay pinaglaanan ng P3 billion pondo mula sa General Appropriations Act of 2021.


Ayon kay Tranportation Secretary Arthur Tugade, inaasahang mapapalakas nito ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa pandemya.

Ipapatupad ang programa sa Metro Manila at iba pang kalapit na rehiyon.

Facebook Comments