Hanggang ngayong araw na lamang ang Service Contracting at “Libreng Sakay” (free ride) Programs ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kasunod ito ng nalalapit na mapapasong Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan 2).
Ayon sa LTFRB, ang pondong ginagamit na pambayad sa mga tsuper at operator na kasali sa Service Contracting at Libreng Sakay Program ay nagmumula sa Bayanihan 2.
Tiniyak naman ng LTFRB na magpapatuloy sila sa pagbibigay ng insentibo sa displaced drivers na nasa ilalim ng Service Contracting Program.
Matatandaang nakatanggap ang Department of Transportation (DOTr) ng P5.58 bilyong budget para sa Service Contracting Program sa ilalim ng Bayanihan 2 Law.
Facebook Comments