Cauayan City, Isabela- Nagtapos na ang pag-arangkada ng “Libreng Sakay” para sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR) at mga Healthcare workers.
Ito ay sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 2 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2.
Ayon sa report ng LTFRB, nasa 81,490 ang nakinabang sa naturang programa sa ilang lugar sa Cagayan Valley.
Samantala, nagpulong naman ang LTFRB at LGU Tuguegarao City para sa posibleng pagbabalik operasyon ng pampublikong transportasyon partikular ang bus.
Nagpasalamat naman ang ahensya sa mga driver-operator ng public transport sa pagiging katuwang ng programa.
Facebook Comments