Libreng sakay ng MPD, nakaantabay pa rin sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada

Nakaantabay pa rin ang mga truck ng Manila Police District (MPD) para sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.

Ayon sa MPD, ang mga naturang truck ay nananatili pa rin sa harapan ng Manila City Hall para agad na makaresponde sa mga apektadong komyuter.

Partikular sa kabahabaan ng Recto Avenue patungong Ramon Magsaysay Blvd., at kahabaan ng España Blvd.


Sa ngayon, nananatiling normal ang biyahe ng mga komyuter sa lungsod ng Maynila at walang namomonitor na mga stranded na pasahero dahil marami pa ring bumabiyaheng modern jeepney, UV Express, at mga bus.

Facebook Comments