Libreng sakay ng Pasig, pansamantalang sinuspinde ang operasyon bukas

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig na pansamantalang sususpendehin ang operasyon ng kanilang libreng sakay bukas, araw ng Biyernes.

Batay sa kanilang abiso na inilathala sa official Facebook account ng nasabing pamahalaang lungsod, ito ay kaugnay sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng Pasig bukas.

Magbabalik naman ang operasyon ng libreng sakay ng Pasig Transport sa July 3, araw ng Sabado.


Samantala, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1177 na nagdedeklara ng special non-working holiday bukas sa lungsod ng Pasig upang bigyan daan ang pagdiriwang ng araw ng lungsod.

Nasaad sa nasabing kautusan na dapat alinsunod sa minimum health protocols laban sa COVID-19 ang mga gagawing aktibidad o programa para sa nasabing selebrasyon.

Bukas, gugunitain ang ika-448th anniversary ng lungsod ng Pasig.

Facebook Comments