Umaabot sa humigit-kumulang 350 kababaihan kada araw ang nakikinabang sa Libreng Sakay Program sa Ilocos Region na nilahokan ng ilang transport groups ngayong National Women’s Month.
Ipinapatupad ang programa sa tulong ng tatlong pribadong transport cooperative katuwang ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr), alinsunod sa direktiba ng national government.
Ilan sa mga benepisyaryo ng programa ang mga working women, estudyante at mga ina na araw-araw bumibiyahe.
Bukod sa pagtitipid sa pamasahe, nabibigyan din umano ng ligtas na transportasyon ang mga komyuter.
Ipinatutupad ang Libreng Sakay Program sa buong buwan ng Marso bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month kung saan may mga itinakdang ruta at oras ng biyahe kada araw.
Sa Dagupan City, ipinatupad ito ng ilang transport cooperatives na bumibyahe ng Bonuan hanggang Downtown sa loob ng isang linggo mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon, na sinimulan noong Marso 9. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










