Libreng sakay para sa lahat ng residente ng Rodriguez, Rizal, ikinasa

51

Nagkasa ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal para sa kanilang mga residente na apektado ng limitadong transportasyon ngayon umiiral ang General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Rodriguez Rizal Mayor Tom Hernandez, nagtalaga sila ng apat na ruta para sa libreng sakay ng mga manggagawa na residente ng Rodriguez.


Kabilang dito ang San Isidro papuntang Litex, San Rafael to Litex Jollibee, Burgos to Litex Market at Rodriguez to Marikina.

Paliwanag ng alkalde, prayoridad din nilang matulungan at mapagaan ang biyahe pagpasok sa trabaho ng mga essential frontliners at health workers.

Ang libreng sakay ay mula Lunes hanggang Sabado na nagsisimula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga pasahero na sumunod sa mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing at ihanda ang ID o travel pass para sa mga checkpoint na kanilang dadaanan.

Facebook Comments