Cauayan City, Isabela- Umarangkada na ang programang libreng sakay para sa mga health care workers sa lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan.
Kinumpirma ito ni LTFRB Regional Director Edward Cabase.
Ang nasabing programa ay parte ng Service Contracting Program ng DOTr sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade at ng LTFRB na ang layong makapagbigay ng tulong hindi lamang para sa mga pasahero kundi pati na rin sa mga drayber na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dulot ng COVID-19.
Gayundin na makatulong para sa mga health workers na patuloy na lumalaban sa COVID-19.
Magsisimula ang ang libreng sakay sa oras ng alas 7:00 ng umagang hanggang alas 8:00 ng gabi.
Malalaman ang isang PUV na nagbibigay ng libreng sakay kung may makikitang karatula sa harapang bahagi nito na may nakasulat na “Libreng Sakay para sa mga Healthcare Workers”.
Kinakailangan lamang na magpakita ng I.D bilang patunay na isang health worker upang makasakay ng libre.
Kaugnay nito, mahigpit na ipinatutupad ng LTFRB, sa tulong ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), ang pagsunod ng mga pampublikong sasakyan sa minimum health safety protocols sa public transport.