Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) sa mga manggagawa ngayong pagdiriwang ng Labor Day.
Magsisimula ang libreng sakay sa pagitan ng alas-6:07 ng umaga at alas-7:37 ng umaga, at mula alas-4:07 ng hapon hanggang alas-5:37 ng hapon, ito ay para sa mga patungong alabang.
Para naman sa mga patungo ng Tutuban, libre ang sakay sa pagitan ng alas-5:46 ng umaga at alas-7:30 ng umaga, gayundin sa pagitan ng alas-4:00 ng hapon hanggang alas-5:30 ng hapon.
Kinakailangan lamang ng mga manggagawa na magprisinta ng kanilang company identification (ID) card sa istasyon ng tren kung saan sila sasakay.
Matatandaang magkakaroon rin ng libreng sakay ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ngayong Labor Day.