LIBRENG SAKAY | PNR, may libreng sakay sa mga manggagawa ngayon Labor Day

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) sa mga manggagawa ngayong pagdiriwang ng Labor Day.

Magsisimula ang libreng sakay sa pagitan ng alas-6:07 ng umaga at alas-7:37 ng umaga, at mula alas-4:07 ng hapon hanggang alas-5:37 ng hapon, ito ay para sa mga patungong alabang.

Para naman sa mga pa­tungo ng Tutuban, libre ang sakay sa pagitan ng alas-5:46 ng umaga at alas-7:30 ng umaga, gayundin sa pagitan ng alas-4:00 ng hapon hanggang alas-5:30 ng hapon.


Kinakailangan lamang ng mga mangga­gawa na magprisinta ng kanilang company identification (ID) card sa istasyon ng tren kung saan sila sasakay.

Matatandaang magkakaroon rin ng libreng sakay ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ngayong Labor Day.

Facebook Comments