Layunin nito na matulungan ang mga operator, driver, at commuter sa harap ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, hakbang ito ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mananakay at maibigay ang nararapat na benepisyo sa publiko.
Kabilang naman sa mga inimbitahan sa pagsisimula ng programa ang mga grupo ng Cagayan Valley Kalinga Apayao Transport Cooperative (CVKATCO), First Isabela Bus and Van Operators Transport Cooperative (FIBVOT), Cauayan City Transport Service Cooperative, Ilagan Public Utility Transport Cooperative (IPUTC), Far East Van Transport Service Cooperative (FEVTC), Etracir Tours Inc., at Northlandia Transport Service Multipurpose Cooperative para sa isinagawang Contract Signing.
Kaugnay nito, sampung UVE ng CVKATCO ang bumibiyahe sa TUGUEGARAO SUBURBS sa ilalim ng libreng sakay program.
Asahan din ang pag-arangkada ng iba pang libreng sakay sa iba pang ruta sa rehiyon sa mga susunod na araw.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang LTFRB Region 2 Official facebook page o makipag-ugnayan sa LTFRB Region 2 Project Implementation Unit (PIU) sa numerong 0916-175-1096.