Libreng sakay sa Dagupan City ikakasa para sa mga maapektuhan ng transport strike sa lunes

Magdedeploy ng government vehicles ang Local Government Unit ng Dagupan City para sa libreng sakay sa darating na Lunes kung saan ikakasa ng mga transport group ang malawakang tigil pasada.
Sa emergency meeting ng LGU, napag-usapan dito na kakanselhain pansamantala ang number coding ng mga jeep at tricycle upang makapagsakay ng mga maapektuhang commuter.
Ayon Sa City Administrator Allan Dale Zarate, magtatalaga ito ng bus, coasters, van at trucks bago mag ala sais ng umaga sa Bonuan Binloc, Boquig, Gueset at sa iba pang barangay.
Bawat sasakyan sa libreng sakay ay magtatalaga ng pulis maging sa pangyayarihan ng pagtitipon ng mga Transport Group.
###

Facebook Comments