LIBRENG SAKAY SA DAGUPAN CITY, ISINAGAWA DAHIL SA MATAAS NA PAGBAHA

Nagsagawa ng libreng sakay ang mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa Dagupan City dahil sa naranasang malalim na pagbaha sa malawakang bahagi ng lungsod.

Ilan sa mga iniikutan upang nakapag-alok ng libreng sakay ay mga bahagi ng Caranglaan, Tebeng Junction, M.H. Del Pilar Avenue, A.B. Fernandez Avenue, Burgos Street, at Perez Boulevard.

Ang inisyatibo ay upang matulungan ang mga empleyado at publiko na makarating sa kanilang mga destinasyon ngayong masama ang panahon at nararanasan ang pagbaha.

Laking pasalamat naman ng mga Dagupeño at komyuter ang nasabing libreng sakay lalo at pahirapan ang pagdaan sa mga kalsada dahil sa pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments