Libreng sakay sa EDSA Carousel, posibleng masimulan sa susunod na buwan

Posibleng sa susunod na buwan ay masimulan na ang libreng sakay sa EDSA Carousel.

Ito ang inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit P1.2 billion na pondo para dito.

Sinabi ni Guadiz na sa oras na bumaba sa kanila ang pondo ay agad nilang pupulungin ang dalawang bus consortium at ipagpapatuloy na ang libreng sakay program.


Sa pamamagitan aniya ng nabanggit na pondo, maaaring tumagal ang libreng sakay hanggang Hulyo o Agosto depende sa mapag-uusapan nila ng dalawang bus consortium.

Sisikapin aniya nila itong mapalawig pa kung magkakaroon ng savings ang ahensya.

Facebook Comments