Magpapatulad ang lokal na pamahalaan ng Malabon ng libreng sakay para sa mga komyuters na maaapektuhan ng pangmalawakang tigil-pasada simula ngayong araw hanggang ika-1 ng Mayo.
Ayon sa pamahalaang lungsod, nakapaghanda na ng pitong rescue vehicle para sa deployment kung sakaling dadagsa ang mga stranded commuter sa panahon ng welga.
Nilinaw naman ni Malabon Public Safety and Transport Management Office (PSTMO) Chief Ret. Col. Reynaldo Medina Jr., na magpapadala lamang ng mga sasakyan kung kakailanganin ito sa paghahatid ng mga komyuters at matapos makapaglabas ng clearance ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang deployment.
Nasa mahigit 80 tauhan naman ang itatalaga sa iba’t ibang lugar ng lungsod para bantayan ang trapiko at tiyakin ang kaligtasan sa mga kalsada ng Malabon.