Libreng sakay sa health workers sa NCR+, tuloy pa rin – DOTr

Patuloy na ihahatid ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa healthcare workers na nasa loob ng NCR+ bubble sa harap ng isang liggong enhanced community quarantine.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., ipapatupad pa rin ang Free Ride Service for Health Workers program ngayong ECQ period.

Aabot na aniya sa dalawang milyong mananakay ang napagsilbihan ng program mula nang ipatupad ito noong March 2020.


Unti-unti ring dinadagdagan ang mga ruta sakop ng libreng sakay, mula sa dating tatlong ruta ay nasa 20 na ngayon.

Facebook Comments