Libreng sakay sa Maynila, naka-abang sa uwian ng mga empleyado ngayong rush hour

Inabangan ng mga tauhan ng Manila local government unit (LGU) ang uwian ng mga empleyado sa pribadong sektor at sa pamahalaan para maisakay nang libre pauwi.

Mula alas-4:00 ng hapon kasi ang simula ng dagsa ng mga papauwing empleyado sa mga tanggapan o ang rush hour.

Hanggang alas-10:00 mamayang gabi ang Libreng Sakay ng Manila City government.


Sa Pasay City naman, nilinaw ng mga nagwewelgang tsuper na hindi nila haharangin ang mga kasamahan nilang namamasada.

Ilan anila kasi ang mga ito ay hindi tuloy-tuloy ang pagwelga dahil kailangan din nila ng panggastos.

Karamihan sa mga tsuper sa Pasay na lumahok sa tigil-pasada ay ang may rutang Baclaran-Mabini-Divisoria.

Samantala, sa monitoring naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang monitoring command center sa Orenze, Makati City, kitang-kita sa screens na walang mga jeep na pumapasada sa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments