Nagsasagawa ngayon ng libreng sakay program ang Philippine National Police para sa Authorized Persons Outside of Residence (APOR) sa mga lugar sa bansa na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, nais nilang kahit papaano’y makatulong sa mga APOR na maging maayos ang biyahe dahil sa limitadong operasyon ng public transportation.
Aniya, may sampung ruta rito sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan ang kanilang libreng sakay program na magsisimula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ang sampung ruta na ito ay ang:
Central Terminal (Manila City Hall) hanggang Quezon Avenue MRT 3 at vice-versa.
Camp Crame to “Tungko” San Jose Del Monte Bulacan (via Commonwealth Ave.) at vice-versa.
Camp Crame to Rodriguez Rizal (via Litex) at vice-versa.
Camp Crame to Taytay (via Ortigaz) at vice-versa.
Camp Crame to Meycauayan, Bulacan (via Mc Arthur Highway) at vice versa.
Camp Crame to Antipolo City at vice-versa.
Pasay to Monumento (EDSA) North Bound at vice-versa.
Monumento to Pasay Taft (EDSA) South Bound at vice-versa.
Camp Crame to Zapote, Bacoor, Cavite at vice-versa.
Camp Crame to Novaliches at vice-versa.
Tiniyak ng opisyal na mahigpit na naipapatupad ang health at safety protocols sa ginagawa nilang libreng sakay program.