Libreng sakay sa mga empleyado, umarangkada ngayong araw sa QC

41

Ilang bus units ang pumayag na bumiyahe sa Commonwealth Avenue para magbigay ng libreng transportasyon sa mga empleyadong pumapasok sa kanilang trabaho.

Bagama’t bawal pa ang public transportation sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), hinikayat ni Councilor Winnie Castelo ang pamunuan ng JAC Liner at DLTB Bus company na magbigay muna ng libreng sakay.


Nagsimula na ngayong araw ang trial run magmula sa Sandiganbayan papunta sa Welcome Rotonda via Quezon Avenue.

Ang isang ruta naman ay magsisimula rin sa Sandiganbayan papunta sa GMA 7 sa EDSA via East Avenue.

Pagtitiyak ni Castelo na mahigpit na ipatutupad ang tamang sistema sa pagsakay sa bus tulad ng “pila system” at “seat arrangement” para maobserbahan ang social distancing.

Facebook Comments