Libreng sakay sa mga healthcare workers at APOR, pinalawak pa ng DOTr

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagkakaroon ng libreng sakay sa health workers at iba pang Authorized Persons Outside of Residence (APORs).

Layon nitong matulungan ang mga essential workers na makarating sa kanilang pinagtatrabahuhan at makauwi sa bahay nang ligtas sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Kaugnay nito, inatasan ng kalihim ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang Free Ride Service Program hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.


Makatutulong din aniya ito para mabawasan ang gastusin ng mga APOR at makatiyak na may masasakyan sila ngayong hindi pa lahat ng pampasaherong sasakyan ang pinapayagang makapag-byahe.

Bukod sa APORs, matutulungan din ng programa ang Public Utility Vehicle (PUV) drivers na madagdagan ang kanilang kita.

Magtatagal ang libreng sakay sa health workers at APORs hanggang sa magamit ang pondong inilaan para dito sa ilalim ng Bayanihan Law II.

Facebook Comments