Nagpatupad ng libreng sakay simula ngayong araw ang lokal na pamahalaan ng Pasay para sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19.
Batay sa ulat ng Pasay City Information Office, ang lahat ng magpapabakuna sa bahagi ng Barangay 148 ay makaka-avail ng libreng sakay sa pangangasiwa ng Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office ng Pasay.
Ang hakbang na ito ng Pasay Local Government Unit (LGU) ay upang mas mahikayat ang kanilang mga residente na magpabakuna kontra COVID-19.
Samantala, batay sa ulat ng Pasay City Information Office, umabot na ngayon sa 353,014 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pasay.
218,245 dito ay fully vaccinated habang 134,761 ay nakatanggap na kanilang unang dose ng bakuna.
Facebook Comments