Libreng sakay sa mga piling ruta ng jeep at bus, posibleng ibalik – DOTr

Posibleng ibalik ng Department of Transportation (DOTr) ang “libreng sakay” program sa mga pampasaherong jeep at bus.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, pwede nilang ibalik ang libreng sakay pero sa mga piling ruta na lamang kung saan mas maraming mahihirap ang makikinabang.

Habang pinag-aaralan din aniya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng subsidiya sa jeep at bus na bumabagtas sa mga non-profitable route.


Matatandaang naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng 1.28 billion pesos para sana sa free-ride program ng LTFRB.

Pero noong Enero, sinabi ng LTFRB na sa halip na libreng sakay sa EDSA bus carousel ay magbibigay na lamang sila ng fare discount sa mga pasahero nang sa gayon ay maisali rin sa programa ang lahat ng pampublikong transportasyon.

Facebook Comments