Libreng sakay sa MRT-3 para sa mga APOR, hanggang ngayong araw na lang ayon sa DOTr

32

Inihayag ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na huling araw na ngayon ng libreng sakay sa Metro Rail Transit o MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs).

Ayon sa DOTr, natapos na kasi ngayong araw, Setyembre 15, ang implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Metro Manila.


Paliwanag ng DOTr, makasasakay pa nang libre ang mga APOR na nakapagpabakuna ng isa o dalawang doses ng COVID-19 mula alas-5:00 ng hapon hanggang ala-7:00 ng gabi mamaya.

Kinakailangan lamang nilang ipakita ang vaccination card sa security personnel sa mga istasyon, kasama ang anumang ID o dokumento na magpapatunay na kabilang sila sa APOR.

Mga APOR lamang ang pinahihintulutang makasakay sa MRT-3 sa panahong pinairal ang MECQ.

Facebook Comments