Napapakinabangan na ngayong araw ng commuting public ang libreng sakay na may rutang North Luzon Express Terminal (NLET) papuntang Araneta Center Cubao at North Luzon Express Terminal (NLET) papuntang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ito’y bahagi pa rin ng Service Contracting Program Phase 3 na ipinatutupad ng pamahalaan na layong tulungan ang mga operator at driver, pati rin ang mga commuter na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Magsisimula ang unang biyahe sa naturang ruta ng ala-una ng umaga hanggang alas-dose ng gabi.
Tiniyak naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may maayos at sapat pa rin bilang ng mga pampublikong sasakyan para sa mga pasahero na patungo at palabas ng Metro Manila habang ipinatutupad ang programa.