Libreng sakay sa railway lines para sa mga APOR, pinalawig hanggang Sept. 7

Pinalawig pa hanggang September 7 sa ilalim ng extended Modified Enhanced Community Quarantine ang libreng sakay sa mga railway lines para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Ang libreng sakay sa LRT-2 at PNR ay tuwing off-peak hours lamang habang sa peak hours naman sa MRT-3.

MRT-3 peak hours
– 7AM to 9AM and 5PM to 7PM


LRT-2 off-peak hours
– 5AM to 7AM; 9AM to 5PM; and 7PM to 9PM

PNR off-peak hours
– 4AM to 6AM; 9AM to 4PM; 7PM onwards

Ang libreng sakay sa mga pasahero na naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine ay may layong mahikayat ang ating mga kababayan na nagdadalawang isip na magpabakuna.

Para sa mga maga-avail ng libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Facebook Comments