Libreng sakay, umarangkada na muli ngayong araw

Ibinalik na ng Department of Transportation ang kanilang programang libreng sakay simula ngayong araw.

Ibig sabihin, wala nang babayaran ang mga pasaherong sasakay sa EDSA Busway Carousel.

Ayon sa DOTR, nasa ₱7 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa Service Contracting Program para sa mahigit 500 bus na nakarehistro dito.


Kasunod nito, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umaasa silang magsisimula na rin sa mga susunod na araw ang programang libreng sakay sa iba pang lugar sa bansa.

Alas-4 ng umaga ang first trip sa EDSA Busway Carousel habang alas-11 ng gabi naman ang huling biyahe ng mga bus.

Bukod sa libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, libre din ngayon ang pamasahe sa MRT-3 na tatagal hanggang katapusan ng Abril.

Facebook Comments