Sa unang araw ng panunungkulan ng mga bagong halal na opisyal, ilang residente ng Pangasinan ang nagpahayag ng kanilang mga hiling sa pamahalaan—nakatuon sa libreng serbisyo at mas agarang tulong para sa mamamayan.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan, pangunahing hiniling ang libreng puhunan para sa kabuhayan, dagdag ayuda, at mas pinaigting na serbisyong medikal, lalo na ngayong laganap ang iba’t ibang sakit.
Saad naman ng isang vendor, mas kailangan umanong dagdagan ang pinansyal na tulong para sa Kabataang hirap paring makapag-aral dahil sa kawalan ng perang pambili ng mga kakailanganin at pantustos sa pag-aaral.
Dagdag pa nito, hindi lamang sa serbisyo ng gobyerno ang dapat ayusin kundi mismo ng mga opisyal na namumuno’t namamahala sa kaban ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









