LIBRENG SERBISYO | Makati City, may handog na libreng civil documents sa mga residente nito

Makati – Libreng makakakuha ang mga residente ng Makati city ng certified true copy ng alinmang civil registry certificates tulad ng birth, marriage, death, at maging ng certificate of no record mula Pebrero 26 hanggang bukas, February 28.

Ang pagkakaloob ng libreng serbisyo ay kaugnay ng paggunita ng lungsod sa Civil Registration Month ngayong Pebrero.

Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang mga Makatizen, maging ang mga hindi residente ng lungsod subalit ipinanganak o ikinasal sa Makati, na samantalahin ang nasabing libreng serbisyo.


Maaari ring makakuha ang mga kamag-anak ng mga pumanaw sa Makati ng libreng kopya ng death certificate ng kanilang mahal sa buhay.

Ang mga nais makakuha ng serbisyo ay magsadya lamang sa tanggapan ng City Civil Registration Office na matatagpuan sa 3rd floor ng Makati City Hall Building I at i-accomplish ang Verification Request Form sa Window 4.

Bukas ang CCRO mula 8am hanggang 5pm.

Kailangan lamang magdala ng isang valid government-issued ID.

Facebook Comments