
Umabot na sa 220 residente ng Calmay ang benepisyaryo ng Purokalusugan tampok ang mga libreng serbisyo medikal as of 10AM, ngayong December 3.
Mas napapalapit ng pamahalaan ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilya. Ang regular na health check-up ay mahalaga upang maagapan, maiwasan, at magamot ang karamihan sa mga sakit bago pa ito lumala. Ito rin ay tumutulong upang mas mapalakas ang kaalaman ng komunidad tungkol sa tamang kalusugan at wastong pangangalaga sa sarili.
Napapakinabangan ng mga residente ang libreng konsultasyon, dental at laboratory services, bakuna, pre-natal care, feeding program at Water and Sanitation Hygiene.
Ang programang ito, katuwang ang Department of Health, ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaan na “bringing healthcare services closer to communities by bringing them into every purok and sitio.” Sa ilalim nito, direktang inihahatid sa mga residente ang pangunahing serbisyong pangkalusugan tulad ng immunization, oral health care, maternal and child health, TB control, nutrition programs, non-communicable disease prevention, at sanitation initiatives.
Ang Purok Kalusugan ay isang matatag na kolaborasyon ng DOH, Dagupan LGU—City Health Office at City Nutrition Office—kasama ang mga katuwang na organisasyon, para sa isang mas malusog, mas ligtas, at mas handang komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









