Cauayan City – Naghatid ng libreng serbisyo ang Lokal na Pamahalaan ng Mallig sa mga bata at Person with Disabilities (PWD) sa ginanap na Mallig Children’s at PWD Month Celebration.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay ang libreng oral health care, dental kits, at medical consultations.
Binigyan din ng assistive devices, bitamina, at supplements ang mga PWD, habang higit 600 day care students naman ang nakatanggap ng libreng pagkain.
Katuwang ng LGU Mallig sa tagumpay ng programa ang CDC Partners, Rural Health Unit, DSWD, at iba pang ahensya na nakiisa sa nasabing selebrasyon.
Samantala, nagdulot ng kasiyahan a mga benepisyaryo ang naturang aktibidad na layuning palakasin ang suporta para sa mga PWD at kabataan sa bayan.
Facebook Comments