Aarangkada sa mga bayan ng Manaoag at San Fabian ang libreng serbisyong medikal mula sa tanggapan ni 4th District Representative Cong. De Venecia para sa mga residenteng nasasakupan nito.
Sa darating na July 20, araw ng Huwebes, tutungo ang serbisyong pangkalusugan sa Brgy. Matulong mula alas otso hanggang alas onse ng umaga, at sa Brgy. Parian mula alauna hanggang alas kwatro ng hapon.
Kasunod na araw, July 21, Biyernes ay tutungo ang tanggapan sa Brgy. Inmalog Norte sa oras na alas otso hanggang alas onse ng umaga habang mula ala una hanggang alas kwarto naman ng hapon ay sa Brgy. Inmalog Sur.
Saklaw ng nasabing serbisyo ang libreng health check up, pamamahagi ng mga gamot maging mga bitamina. Magkakaroon din ng dental services tulad ng pagbunot ng ngipin.
Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng serbisyong medikal partikular sa mga barangay sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, San Jacinto at lungsod ng Dagupan o kinabibilangan ng ikaapat na distrito ng lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments