LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL, AARANGKADA SA DAGUPAN CITY

Aarangkada sa Dagupan City ang libreng serbisyong pangkalusugan hatid ng tanggapan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan para sa mga Dagupeno na naglalayong mapanatili ang pangangalaga sa kalusugan ng mga residente sa nasabing lungsod.
Saklaw ng nasabing serbisyong medikal ang libreng health check-up, bunot ng ngipin, magpapamahagi rin ng libreng mga gamot at vitamins para sa residente.
Ito ay gaganapin sa Feb. 25, 2023, sa Mamalingling Barangay Hall sa oras na alas otso ng hanggang alas-onse ng umaga. Habang mula ala-una hanggang alas-kwatro ng hapon ay gaganapin naman sa Tapuac Barangay Hall sa magkaparehas na araw.

Bahagi pa rin ito ng programang Serbisyong Pangkalusugan ng ikaapat na kongresista sa Pangasinan na inihahatid ang naturang serbisyo sa mga bayan at lungsod sa 4th District ng lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments