Nagtungo sa Barangay Paragos sa Bayambang ang ilang civic at medical groups upang magsagawa ng libreng serbisyong medikal at feeding program para sa mga residente nangangailangan ng tulong pangkalusugan.
Sa koordinasyon ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO), naghatid ang mga grupo ng iba’t ibang serbisyo tulad ng medical check-up, basic laboratory assessment, at pamamahagi ng libreng gamot.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin nitong mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot at matugunan ang agarang pangangailangan ng mga mamamayan.
Kasabay ng konsultasyon, nagsagawa rin ng feeding activity para sa mga bata at iba pang dumalo upang matiyak na may sapat silang nutrisyon habang nagpapatuloy ang programa.
Facebook Comments






