LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL, HATID PARA SA MGA PWDS NG DAGUPAN CITY

Handog ang isang libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga Person with Disabilities o PWDs sa lungsod ng Dagupan sa pangunguna City Health Office at CSWD-PWD Assistance Office kasabay sa pagdiriwang ng lokal ng pamahalaan ng lungsod sa ika-45 taon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration sa Dagupan.
Bahagi rin ang nasabing programa ng adhikain sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng Alagang Healthy Dagupeño na may layong mapalawig ang kapakanang pangkalusugan ng mga residente ng Dagupan City.
Matatandaan na prayoridad din ang mga PWDs sa mga health at laboratory services sa Diagnostic Center tulad ng libreng X-ray, ultrasound, CT-scan, ECG, at laboratory test, dental and medical check-up.

Kabilang pa sa tinututukang programang nakalaan para sa kanila ang pagkakaroon ng pondo para sa livelihood program para sa mga ito, ang scholarship program para sa kanilang anak, pamamahagi ng assistive devices at ang tinatrabahong P3, 000 honorarium/allowance para sa mga PWDs na kabilang sa PWD Federation Officers.
Samantala, saklaw ng nasabing medical mission ang check-up at pamamahagi ng mga gamot at bitamina para sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments