LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL, ISASAGAWA SA DAGUPAN CITY AND SAN FABIAN

Magaganap ang isang libreng serbisyong medikal sa lungsod ng Dagupan at bayan ng San Fabian sa darating na Sept 8 at 9 ngayong buwan na pinangungunahan ng tanggapan ng ikaapat na kongresista ng Pangasinan sa pakikipag-ugnayan ng mga lokal na gobyerno ng mga nasabing lugar.
Sa araw ng Biyernes, Sept. 8, tutungo ang tanggapan sa Barangay ng San Fabian – sa Brgy. Inmalog Sur mula alas otso hanggang alas onse ng umaga, pagsapit naman ng ala una ng hapon, ihahatid din ang serbisyong medical sa Brgy. Inmalog Norte hanggang alas kwatro ng hapon.
Sa susunod na araw. Sept 9, Sabado, handog naman ito sa mga Barangay ng Dagupan – Caranglaan, mula alas otso hanggang alas onse ng umaga habang sa Brgy. II at III naman ay mula alauna hanggang alas kwatro ng hapon.

Saklaw nito ang libreng health check-up, bunot ng ngipin, at pamamahagi ng mga gamot, at bitamina para sa mga benepisyaryo.
Bahagi naman ito ng adhikain ni Cong. De Venecia na nagsusulong sa kapakanang pangkalusugan ng mga nasasakupan nito – o ang mga residente na mula sa bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, San Jacinto at lungsod ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments