LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, HATID SA DAGUPAN CITY AT SAN FABIAN

Nagpapatuloy ang serbisyong medikal at dental sa mga residente sa lungsod ng Dagupan at bayan ng San Fabian ng tanggapan ng ikaapat ng distrito na pinangungunahan ni Cong. De Venecia.
Kailan lamang natapos na ang libreng serbisyong medikal sa. Brgy. Malued at Brgy. Lasip Chico ng Dagupan City na tinangkilik naman ng mga residente ng mga nasabing barangay.
Saklaw ng free medical service ang ang libreng health check-up, bunot ng ngipin, gayundin ang pamamahagi ng gamot at mga vitamins.
Kahapon naman ay nagtungo ang tanggapan upang magbigay ng serbisyong medikal sa barangay Anonang at Mabilao sa bayan ng San Fabian at ngayon, April 21, tutungo naman sila sa Brgy. Bacayao Norte and Bacayao Sur ng Dagupan City, alas otso hanggang alas onse sa Bacayao Norte at alauna hanggang alas kwatro naman sa Bacayao Sur.
Bahagi pa rin ito ng pagpapaigting ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga bayan at lungsod sa 4th district ng Pangasinan.
Facebook Comments