Libreng shuttle bus, inilaan sa repatriated OFWs na taga-Maynila

Daan-daang repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ang patuloy na hinahakot ngayon pauwi sa kanilang mga tahanan sa Maynila ng shuttle service ng Manila Local Government Unit (LGU).

Partikular na ginagamit sa libreng paghatid sa OFWs ang shuttle service ng Department of Tourism (DOT), Culture and Arts of Manila.

Bukod sa OFWs na residente ng Maynila, sineserbisyuhan din ng shuttle buses ng DTCAM ang repatriated Pinoy workers na pauwi sa kanilang mga lalawigan.


Partikular silang hinahatid ng shuttle service sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Isinasakay din dito ang mga stranded na local tourists.

Facebook Comments