LIBRENG SHUTTLE SERVICE, UMARANGKADA SA GITNA NG PANANALASA NG BAGYONG PAOLO SA ILOCOS NORTE

Nagpatupad ng libreng shuttle service ang Metro Ilocos Norte Council para sa mga empleyado ng pribadong sektor, estudyante, senior citizens, persons with disabilities, at buntis habang may kalamidad.

Ang mga pick-up point ay matatagpuan sa terminals at parking area ng dalawang mall at harap ng Capitol Building mula 9:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Ang mga sasakyan ay bibiyahe patungong mga bayan ng Sarrat, Dingras, Bacarra-Pasuquin, at City of Batac-Paoay.

Layunin nitong magbigay ng masasakyan sa mga manggagawa at residente na tuloy sa paghahanap buhay habang may bagyo upang ligtas na makauwi sa kanilang mga tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments