Libreng sine para sa mga senior citizens, kasama sa panukalang batas ng Sangguniang Panlalawigan Aklan

254

Aklan, Philippines – Kasama na sa panukalang batas ng Sangguniang Panlalawigan Aklan ang libreng sine para sa mga senior citizen.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan Member Jay Tejada, Committee Chairman on Senior Citizens, na mayroong inaasahang pagbukas nga mga sinehan sa bayan ng Kalibo, dahilan na para isama nila ito sa nasabing probisyon.


Kasama pa sa ilang mga probisyon ay ang paglalaan ng maayos na upuan at lugar para sa mga matatanda sa mga transport area kagaya ng paliparan, terminal ng mga sasakyan at iba pa.

Isinusulong rin nila ang P3,000 na financial assistance sa pamilyang naiwan ng yumaong senior citizen.

Sisiguraduhin din na nabibigyan sila ng tamang lugar at diskwento sa mga grocery store at sa restaurant.
DZXL558

Facebook Comments