Libreng skills training ng TESDA, ipatutupad sa Lungsod ng San Juan

Kinumpirma ni Mayor Francis Zamora na magsasagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng skills training sa Lungsod ng San Juan.

Ayon kay Zamora ang mga skills training na pwedeng kunin ay bookkeeping at call center training para sa edad 18 anyos at computer servicing naman para sa 21 anyos.

Sa bookkeeping at computer servicing ay nangangailangan ng 60 participants at sa call center training program ay nangangailangan ng 138 participants.


Ang nasabing tatlong mga skills ay mga programang bukas at pwedeng pasukan ngayong buwan.

Katuwang aniya ng pamahalaang lungsod ng San Juan para sa nasabing programa ay ang TESDA at si Congressman Ronny Zamora.

Sinabi pa na ng alkalde na ang nasabing training ay gaganaping ngayong buwan, kaya naman sa mga nais magpalista, mangyaring tumawag sa Office of the City Mayor sa mga sumusunod na numero – 0956-529-7286 para sa Globe at 9061-680-5514 para naman sa Smart user at hanapin sina Anj o Lyka.

Facebook Comments