
Cauayan City – Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 2 Isabela Provincial Office ang libreng SPARK Technical Training 2025 sa Barangay San Vicente, Ilagan City, Isabela.
Layunin ng programa na ihanda ang mga kalahok para sa karera sa Business Process Outsourcing (BPO) at Business Process Management (BPM) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kasanayan sa customer service.
Ang pagsasanay ay binubuo ng face-to-face sessions mula August 18 hanggang 22, online campaign mula August 30 hanggang September 13, assessment day sa September 22, at graduation day sa September 25.
Limitado lamang sa 25 ang slots para sa training kaya hinihikayat ang mga interesadong aplikante na agad magparehistro.
Kabilang sa mga kinakailangang kwalipikasyon ay ang pagiging 18 taong gulang pataas, residente ng Rehiyon 2 partikular sa Lungsod ng Ilagan at mga kalapit-bayan, at pagpasa sa English at Typing Test.
Kinakailangan ding may sariling laptop o desktop na may maayos na koneksyon sa internet at bukas ang kalooban sa pagkatuto ng bagong kaalaman.
Samantala, itinakda ang deadline ng aplikasyon at pagsusulit sa August 5, 2025.









