Libreng swab test para sa mga turista, pinaplano ng DOT

Plano ng Department of Tourism (DOT) na mabigyan ng libreng swab test ang mga turista sa buong bansa.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, layon nito na maibalik muli ang sigla ng turismo sa kabila ng nararanasan na COVID-19 pandemic.

Sa ngayon kasi ay kinakailangan pa rin magbayad ng P750 ng mga biyahero para sa swab test na isinasagawa ng DOT-partner hospitals kabilang ang Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila at Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.


Una nang lumagda ng kasunduan ang DOT, PGH at PCMC para sa 50% na subsidiya para sa swab test ng 13,000 turista hanggang Disyembre.

Facebook Comments