Hindi na mangangamba ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang anak sa tuwing nasa beach resorts o swimming outing ang pamilya, dahil sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan, isang proyekto ang inilunsad para matiyak na marunong sa water survival skills ang mga ito.
Sa Project SAFE KIDS – School Action For Emergency – Keeping Individuals Drown-Safe ng Local Government Unit ng San Nicolas, libre ang swimming lessons at water survival techniques para sa mga Elementary students na residente ng bayan.
Nasa tatlumpong (30) mag-aaral kada linggo ang sinasanay ng MDRRMO mula 9am hanggang 12nn sa Agpay Eco Park.
Mahalaga na matutong lumangoy ang mga bata o kahit na sinuman, upang maiwasan ang pagkalunod lalo tuwing bumibisita sa mga public pools at beach resorts.
Kaya para sa mga magulang na may anak sa elementarya, samantalahin na ang pagkakataon na ito at iparehistro na ang inyong mga anak sa tanggapan ng San Nicolas MDRRMO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








