Monday, February 9, 2026

Libreng taunang medicacl check up para sa mga Pilipino, isinulong sa Kamara

Inihain ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan ang House Bill 2239 o panukalang libreng taunang medical check-ups para sa bawat Pilipino upang agad matukoy kung may karamdaman, maagapan ito at huwag ng lumala na mas magiging magastos at pahirap.

Sakop ng libreng check-up ang consultations, physical examinations, at routine laboratory and diagnostic tests tulad ng blood count, lipid profile, fasting blood sugar, chest x-ray at urinalysis.

Maari pang madagdagan ang nabaggit na mga lab tests depende sa availability ng pondo ng Philhealth.

Ayon kay Yamsuan, kung mapapangalagaan ang kalusugan mamamayan ay makikinabang din ang gobyerno dahil mababawasan ang pasanin ng mga pampublikong ospital sa napakamahal na gamutan para sa mga malulubhang sakit tulad ng diabetes, kidney and heart diseases.

Ipinunto ni Yamsuan na bagama’t kasama na sa Yaman ng Kalusugan o YAKAP program ang libreng check-up ay kailangan pa rin itong maisabatas upang mapanatili ang implementasyon at mapondohan kahit matapos na ang termino ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments