Aarangkada sa lungsod ng Dagupan ang libreng Theoretical Driving Course (TDC) na programa sa ilalim ng Land Transportation Office (LTO).
Dadalhin ang libreng programa sa Dagupan City na bukas para sa lahat ng mga interesadong kumuha ng student-driver permit. Nasa dalawang daan ang nakalaang slots para sa mga Dagupenos na nais mag-avail nito.
Sa darating na February 1 at 2 ito gaganapin sa City Plaza.
Ang mga interesadong Dagupeño ay inabisuhang magdala ng -Client ID (magregister lamang sa https://portal.lto.gov.ph/, birth certificate at isang valid ID o school ID, kailangan makumpleto ang 2-day driving course, ballpen at papel.
Layon nitong isulong ang kaligtasan ng mga pasahero sa lansangan at makaiwas na rin sa mga talamak na disgrasya sa kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨