Monday, February 23, 2026

LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE, ILULUNSAD SA SAN CARLOS CITY

Ilulunsad sa San Carlos City ang libreng Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga kwalipikadong residente sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office – San Carlos Office.

Isasagawa ang dalawang araw na TDC program sa Pebrero 28 hanggang Marso 1, 2026 sa tanggapan ng LTO San Carlos. Eksklusibo ito para sa mga San Carleneans na may edad 18 taong gulang pataas.

May nakalaang 100 slot lamang para sa mga kalahok at ipatutupad ang first to register basis at awtomatikong isasara ang registration kapag naabot na ang itinakdang bilang ng mga tatanggapin.

Inanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ang mga interesadong residente na magparehistro at makiisa sa programa bilang bahagi ng pagpapalakas ng kamalayan at kaligtasan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments