Ilulunsad ng Land Transportation Office ang dalawang araw na libreng Theoretical Driving Course para sa mga residente sa San Fabian at karatig lugar, simula Mayo 9 hanggang 10.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga nais maging responsableng motorista, lalo na sa usapin ng road safety at tamang pagmamaneho.
Ipapatupad ang “first come, first served” basis para sa mga nais lumahok at bukas lamang para sa mga 16 taong gulang pataas.
Kinakailangan ding magdala ng alinman sa mga requirements gaya ng PSA/NSO Birth Certificate, Civil Registry, PSA Marriage Certificate, o anumang valid government ID kabilang ang National ID bilang patunay ng pagkakakilanlan na ilalagay sa matatanggap na sertipiko pagkatapos ng kurso.
Hinihikayat ng tanggapan ang publiko na samantalahin ang naturang libreng pagsasanay upang maging ligtas, disiplinado, at responsableng motorista sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










