CAUAYAN CAUAYAN CITY – Magpapatuloy ang pagsasagawa ng Land Transportation Office (LTO) Cauayan City ng libreng theoretical driving course ngayong taon.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Mr. Deo Salud, LTO Cauayan District Head, ang programa ay para sa mga colleges and universities, at barangays na nais matutunan ang pagmamaneho at road safety.
Dagdag ni Mr. Salud, napansin umano nito na kakaunti pa lamang ang nagpa-renew ng kanilang mga lisensya sa unang linggo ng Enero.
Inihayag din nito na mayroon pang 1,400 pre-printed cards na hindi pa naibibigay.
Samantala, magsasagawa rin ng distribusyon ng plaka ang ahensya sa bawat barangay ngayong buwan.
Facebook Comments