Inilunsad sa bayan ng Bautista ang libreng Theoretical Driving Course bilang unang hakbang para sa mga residente na nais makakuha ng driver’s license.
Layon ng kurso na magbigay-edukasyon hinggil sa tamang kalakaran sa trapiko, wastong asal sa daan, at responsableng pagmamaneho.
Batay sa tala, 130 residente ang dumalo at nakatakdang makatanggap ng kanilang sertipiko matapos ang pagsasanay. Bahagi ito ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan upang mahubog ang mga responsableng driver na makatutulong sa pagpigil ng aksidente sa mga lansangan.
Bilang insentibo, nakatanggap naman ng libreng student permit mula sa lokal na pamahalaan ang Top 10 trainees ng programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









